KZ Tandingan, pinasok na rin ang vlogging world

21

Manila, Philippines – Maging ang soul singer na si KZ Tandingan ay pinasok na rin ang pagba-vlog.

Sa kanyang unang video sa Youtube channel na ‘KZ Tandingan official’, binalikan ng singer ang kanyang naging laban sa ‘singer 2018.

Pinamagatang ‘What Really Happened In China’ – in-upload ni KZ ang naturang video kahapon kung saan ibinahagi niya ang mga pinagdaanan sa naturang kompetisyon sa loob ng apat na buwan.

Agad naman pumalo sa mahigit 8,000 views na ang kanyang video matapos i-upload nitong nakaraang araw.

Si KZ ay naglikha ng ingay sa singer 2018 lalo na nang makaharap ang kanyang idol na si British singer Jessie J.

Facebook Comments