L.A. FASHION WEEK | Kiana Valenciano at iba pang Pinay model, nakaranas ng diskriminasyon

Manila, Philippines – Nakaranas daw ng diskriminasyon ang anak ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano na si Kiana kasama ang anim na iba pang pinay model at Pinoy designers sa Los Angeles Fashion Week. Ito ay matapos silang pagbawalang rumampa sa opening show ng Lebanese fashion designer na si Elie Madi sa event na imbitado naman daw sila. Source ng report na ito ang make-up artist na si Cherry Ordoñez at uncle ni dating Miss Earth title holder Jamie Herrel na si Alan Del Rosario. Nasa backstage na sina Kiana at Jamie nang bigla umano silang paalisin alinsunod sa utos ni art hearts fashion president Erik Rosete na “No Filipinos on the runway”. Dahil dito, ‘mega-walkout’ ang mga Pinay model at designers sa event. Sa kanyang instagram post naglabas ng pagkadismaya si Kiana kung saan pinalakas pa rin niya ang loob ng mga kapwa niya modelong ni-reject sa show. Aniya, “The opinion of one guy does not define who you are.”

Facebook Comments