SA KULUNGAN ANG TULOY | Babae, inaresto sa mismong araw ng kanyang kasal matapos na masangkot sa karambola

135

Arizona – Sa halip na simbahan, sa presinto ang tuloy ng isang babaeng ikakasal sana. Inaresto 32-year old bride na si Amber Young matapos siyang masangkot karambola sa habang papunta sa sarili niyang kasal sa Marana, Arizona. Ayon sa pulisya, isa sa mga nadamay sa aksidente ang nagtamo ng minor injury. Tweet pa ni Arizona Police Spokesman Sgt. Chriswell Scott, “Don’t drive impaired, ‘till death do we part doesn’t need any help.” Samantala, hindi naman malinaw kung bakit nagda-drive para sa kanyang sarili si Young at kung natuloy pa ba ang kanyang kasal.

Facebook Comments