Iginiit ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 1 na ang P4.7 billion bypass road project na alternatibong ruta sa Manila North Road para sa mga biyahero mula Bauang, San Fernando City, at San Juan, La Union ay 80.12% nang tapos.
Ayon sa DPWH na kinakailangan ng kabuuang P4.697 billion para matapos at makumpleto ang whole stretch ng bypass road kung saan ang P2.026 billion ay na-released mula 2018 hanggang 2022.
Ang 22.2 kilometer Bauang-San Fernando City-San Juan Bypass Road project ay magpapaluwag sa daloy ng trapiko sa Manila North Road section sa pagitan ng Brgy. Payocpoc, Bauang at Brgy. Taboc, San Juan sa naturang probinsiya.
Mabatid na ang proyekto, na nagsimula noong 2018, ay may dalawang sections na kinabibilangan ng 7.8 kilometer Bauang Section at ang 14.4 kilometer San Fernando City-San Juan Section. | ifmnews
Facebook Comments