Naitala sa bayan ng Balaoan sa probinsiya ng La Union ang unang kaso nito ng Omicron Variant.
Natanggap ng lokal na pamahalaan ang abiso mula sa Department of Health na nakapagtala na ang probinsiya ng unang kaso ng naturang variant.
Ayon sa Alkalde ng bayan, ang pasyente ay 37 taong gulang na lalaki, isang returning Overseas Filipino Worker na galing sa United States of America na residente ng Patpata Village sa bayan.
Noong ika-16 Disyembre nag negatibo sa RT-PCR test ang pasyente ngunit sa ikatlong araw ng kaniyang isolation sa Manila dito na ito nakaranas ng sintomas ng sakit at lumabas sa kaniyang test na siya ay positibo sa COVID-19.
Noong ika-2 ng Enero, ang pasyente ay nai-release na dahil sa siya ay nag negatibo sa antigen test at nakumpleto ang kaniyang 14 days quarantine.
Ika-5 ng Enero nagpunta ito sa Camilo Oasis sa Balaoan.
Dahil sa strict quarantine restrictions ito ay walang naging close contacts.
Bagamat recovered na ang pasyente kailangan pa rin itong dumaan sa isolation base sa protocols ng DOH.
Dahil sa pagtaas ng kaso sa bayan, nagpaalala ang lokal na pamahalaan na mag-ingat pa rin sa COVID-19. | ifmnews