LABAG DAW SA BATAS | Justice Secretary Guevarra, dumepensa sa pagharang ng Bureau of Immigration sa EU political party official

Manila, Philippines – Dumepensa si Justice Secretary Menardo Guevarra sa pagharang kahapon ng Bureau of Immigration sa pagpasok sa bansa ni European Union (EU) political party official Giacomo Filibeck.

Ayon kay Guevarra, paglabag sa batas ang pananatili sa bansa ng isang dayuhan na ang pakay ay paglahok sa partisan political activities.

Aniya, may karapatan ang pamahalaan na tanggihan ang pagpapapasok ng mga partido o indibidwal na may “illegal acts.”


Kahapon, hinarang sa Mactan International Airport ang Party of European Socialists (PES) na si Fillibeck dahil sa kritisismo nito kay Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa kampanya laban sa iligal na droga.

Si Filibeck na deputy secretary-general ng PES ay dadalo sana sa dalawang araw na party congress ng Akbayan Party na sister party ng PES.

Kasama ni Filibeck na dumating sa bansa ang dalawampung iba pang foreign delegates pero hinarang sila sa immigration counter.

Facebook Comments