PAGKAKAISA | Magandang imahe ng DOJ, target ng bagong kalihim nito

27

Manila, Philippines – Hangad ni bagong Justice Secretary Menardo Guevarra na maibalik ang magandang imahe ng Department of Justice (DOJ).

Ito ang sinabi ni Guevarra sa unang pagdalo sa flag raising ng DOJ matapos niyang palitan si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre.

Sa kanyang talumpati, nanawagan siya mga opisyal at empleyado ng Justice Department na makiisa para magtagumpay sa kanyang misyon.

Samantala, malaki naman ang pasasalamat ni Guevarra kay Aguirre dahil sa mga repormang ipinatupad nito.

Aniya, bilang bagong Justice Secretary, wala siyang ibang agenda kundi gawin lamang ng tama ang kanyang trabaho.

Facebook Comments