LABAG SA BATAS | Naarestong Australian prof na raliyista, matagal nang binabantayan

32

Manila, Philippines – Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na matagal nang subject ng order ang naharang sa NAIA 1 na Australian professor at raliyista

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Krizia Sandoval, si Gill Hale Boehringer ay noong nakaraang taon pang binabantayan ng Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni Sandoval na sumali si Boehringer sa rally noong November 2015 na malinaw na paglabag sa BI operations order na nagbabawal sa mga dayuhan na lumahok sa political activities sa Pilipinas.

Aniya, maaaring isama sa blacklist ang mga dayuhang lumalahok sa mga protesta sa bansa.

Matatandaang pinapa-deport na ng BI ang Australyanong madre na si Sister Patricia Fox dahil sa pagsali nito sa mga political rally sa bansa.

Facebook Comments