Indonesia – Sasabak na ngayong araw ang walong Filipino boxers sa 18th Asian Games sa Indonesia.
Kinabibilangan ito nina Nesthy Petecio, Joel Bacho, Bantamweight Mario Fernandez, Lightweight James Palicte, Flyweight Rogen Ladon, Light-Flyweight Carlo Paalam, middleweight Eumir Marcial at flyweight Irish Magno.
Isa sa malaking labang inaabangan ay kay Petecio kung saan makakaharap niya ang silver medalist boxer ng Rio Olympics mula sa China na si Yin Jun Hua.
Kumpiyansa naman si Association of Boxing Alliances Executive Director Ed Picson na malaki ang malaki tiyansa ng mga Pinoy boxers na makakuha ng mga medalya.
Aniya, mas magagaling ngayon ang mga ipinadala nilang boksingero kumpara sa 2014 Asian Games na ginanap noon sa South Korea.
Facebook Comments