Laban kontra Covid -19 nagpapatuloy sa Cotabato City kahit Zero Case na!

34

Bagamat wala nang aktibong kaso ng coronavirus disease o COVID-19 dito sa Cotabato City, patuloy pa ring pinapayuhan ni Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani-Sayadi ang kanyang nasasakupan na makinig at sumunod sa mga ipinatutupad na mga alituntunin patungkol sa COVID-19.


Ito ay ang pagsuot ng face mask, pagsunod sa social distancing, madalas na paghuhugas ng kamay, at ang pagpapanatili ng kalinisan sa paligid.

Una rito, inanunsyo ni Mayor Sayadi na naka-recover na at nakalabas na ng Ligtas COVID Center ang huling natitirang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa lungsod.

Dagdag pa ng alkalde, simula aniya nang magkaroon ng kaso ng COVID-19 sa lugar ay wala pang naitatalang binawian ng buhay at halos lahat ng mga pasyente ay asymptomatic.

Nagpaabot din siya ng kanyang pasasalamat sa lahat ng mga health worker sa pangunguna ni Dr. Meyasser Patadon at iba pang mga frontliner sa lungsod dahil sa kanilang aktibo at maagang pag-aksyon upang mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.(Daisy Mangod)
OHS PIC
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments