OFW, Nagbigti Dahil Umano sa Problema

50

Cauayan City, Isabela- Patay ang isang babae matapos nitong kitilin ang sariling buhay sa Brgy. Dagupan, Tuao, Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Liezeth Fernandez, 34 taong gulang, may-asawa, OFW at residente sa nabanggit lugar.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nasa loob ng banyo ang biktima nang tawagin siya ng kanyang kapatid na lalaki upang pakainin ang anak niya na umiiyak.

Hindi tumugon ang biktima kaya’t pinilit nang buksan ng kapatid ang pintuan ng banyo at tumambad sa kanya ang nakabigting katawan ng biktima gamit ang electrical wire.

Ayon umano sa pamilya ng biktima, naniniwala sila na nagpakamatay ito dahil sa problema sa pamilya at hindi pagkakaunawaan sa asawa na nagtatrabaho rin sa ibang bansa.

Facebook Comments