Aabot sa 6.2 milyon dolyar o katumbas ng 300 milyon piso ang kinita sa ticket sales sa nakalipas na laban nina pambansang kamao Manny “Pacman” Pacquiao at Keith Thurman.
Ayon sa report nakapagbenta ng kabuuang 11,436 tickets ang naturang World Boxing Association Welterweight showdown na ginanap sa Las Vegas nitong Linggo.
Nag-isyu rin aniya ang organizers ng 1,675 complimentary tickets.
Nabatid na mas mataas ito nang bahagya sa 6 milyon dolyar na kinita naman ng bakbakan nina Pacquiao at Adrien Broner noong Enero.
Sa kabila nito, itinuturing pa ring pinakamataas ang 72 milyong dolyar na naibentang ticket noong nagharap ang fighting senator at si Floyd Mayweather Jr., noong 2015.
Facebook Comments