Manila, Philippines – Handa nang sumabak sa Binibing Pilipinas ang top 5 finalist ng Miss World na si Catriona Gray.
Kabilang ang Beauty Queen sa mapalad na 40 opisyal na kandidata ng pinakamalaking Pageant sa bansa.
Sa kanyang Instagram Post, sinabi ni Gray na ready na ulit siyang sumabak sa Pageant Stage.
Umaasa si Catriona na sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas ay may magbubukas muling pinto para sa kanyang mga pangarap.
Sakaling palarin ay maaaring irepresenta muli ni Gray ang Pilipinas sa labas ng bansa sa isa sa mga Intenational Pageants na Miss Grand International, Miss Globe, Miss Intercontinental, Miss Supranational, Miss International at higit sa lahat, ang Miss Universe.
Facebook Comments