Dapat pang paigtingin ng pamahalaan ang kampanya nito laban sa ilegal na droga.
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte para maiwasan maging transshipment point ng illegal drug trafficking ang Pilipinas sa Asia Pacific Region.
Sa kanyang talumpati kasabay ng pagsira sa ₱7.5 billion na halaga ng nasamsam na ilegal na droga sa Cavite, sinabi ni Pangulong Duterte na habang umaabante ang giyera kontra droga, hindi pa rin nahihinto ang illegal drug activities sa harap ng pandemya.
Para sa Pangulo, ang pinaigting na anti-drug crackdown ay dapat samahan ng reporma sa criminal justice system.
Hinimok din ni Pangulong Duterte ang mga law enforcement authorities, prosecution service at ang judiciary na huwag bumigay sa kanilang mahirap na trabaho.
Pinuri rin niya ang law enforcement authorities dahil sa patuloy na pagganap ng kanilang tungkulin.
Aniya, marami nang napagtagumpayan ang war on drugs sa nakalipas na apat na taon.
Hindi rin matitinag ang Pangulo sa mga kritisismo mula sa human rights groups at sinabing mananatili ang kampanya.
Mas pinapahalagahan pa ng mga human rights advocates ang kalusugan at buhay ng mga drug offenders sa halip ang mga nabibiktima ng mga ito.
Nagpaalala rin si Pangulong Duterte sa mga pulis na gampanan ang kanilang tungkulin na naaayon sa batas.
Kaya nananawagan ang Pangulo ng pagkakaisa ay gawing drug-free ang bansa para sa mga susunod na henerasyon.