Labanan ng dalawang Moro fronts sumiklab sa bayan ng Matalam North Cotabato

Namamayani ngayon ang tensyon sa Sitio Kisupit Brgy Marbel sa bayan ng Matalam sa North Cotabato dahil sa pagsiklab na labanan ng dalawang Moro fronts na nagsimula pa kagabi.
Nagsimula ang labanan dakong alas diyes kagabi na nagpatuloy hanggang umaga ngayong araw batay sa ulat mula sa punong baranggay na si Ginoong Roxas Balacanan.
Ang mga naglalabang grupo ay nabibilang sa Moro Islamic Libreration Front(MILF) at Moro National Liberation Front(MNLF)
Inaalam pa ang pinagsimulan ng labanan. Nagkaenkuwentro na rin ang dalawang grupo noong nakaraang taon na nagresulta sa paglikas ng maraming sibilyan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments