Dumating na sa Mactan Air Base sa Cebu ang mga labi ng tatlong piloto at tatlong crew ng bumagsak na C-130 aircraft ng Sulu.
Pasado alas-9:00 kagabi nang lumapag sa Mactan Air Base ang C-295 tactical military transport aircarft lulan ang mga labi ng mga pilotong sina Major Michael Vincent Benolerao, Major Emmanuel Makalintal at 1Lt. Karl Joseph Hintay.
Kasama rin ang mga labi ng mga crew na sina TSgt. Donald Badoy, SSgt. John Neil Macapaz at Sgt. Jack Navarro.
Binigyan sila ng military honors ng mga kasamahan nila sa 220th Airlift Wing.
Samantala, naiuwi na rin sa Cagayan de Oro ang anim na iba pang sundalo na nasawi sa plane crash.
Facebook Comments