Graduate mula sa LPU-Batangas, topnotcher sa Pharmacist Licensure Exam

Graduate mula sa Lyceum of the Philippines sa Batangas ang topnotcher sa Pharmacist Licensure Examinations.

Si Deanne Marizthel Jandra Madrio ay nakakuha ng 93.55 na rating, at nanguna sa 1,546 na successful examinees.

Ayon sa Professional Regulation Commission (PRC), kabuuang 2,337 pharmacy graduates ang kumuha ng licensure exam ng Board of Pharmacy sa mga lungsod ng Maynila, Baguio, Davao, Lucena, Tacloban at Tuguegarao.


Samantala, tatlong eskwelahan naman ang tabla sa unang pwesto bilang top performing schools kung saan 100% ng kanilang mga mag-aaral ang matagumpay na nalampasan ang pagsusulit ang Adamson University, St. Scholastica’s College – Tacloban at University of the Philippines – Manila.

Facebook Comments