Posibleng bukas ng umaga pa tuluyang maibababa ang labi ng apat na nasawi sa pagbagsak ng Cessna plane sa Bulkang Mayon sa Albay.
Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), ito ay dahil sa hindi agad naibaba ang labi ng mga biktima bunga ng masamang panahon sa Albay.
Halos 400 na rescuers ang nagtulong-tulong sa pag-retrieve ng labi ng mga biktima mula sa crash site.
Bumagsak kasi ang eroplano malapit sa crater ng bulkan at ito ay nasa “no fly zone” area.
Facebook Comments