Isa na namang papalubog na motorbanca sa Palawan, nirespondehan ng PCG

Na-rescue ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga pasahero at tripulante ng isang papalubog na sanang motorbanca sa karagatan na sakop ng Sitio Paya, Barangay Alcoba sa Magsaysay, Palawan.

Kasalukuyang naglalayag ang motorbanca patungong Guinlabog Island nang mapinsala ang starboard bow nito at pinasok ng tubig ang motorbanca.

Isa namang concerned citizen ang tumawag sa PCG at agad itong nagsagawa ng search and rescue (SAR) operations.


Nasa maayos naman na kalagayan ang tatlong pasahero at limang crew members ng motorbanca.

Facebook Comments