Unti-unti nang ibinababa mula sa Bulkang Mayon sa Albay ang labi ng apat na sakay ng bumagsak na Cessna plane.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Spokesman Eric Apolonio, pahirapan sa rescuers ang pagbaba mula sa bulkan dahil patuloy ang pagguho ng mga bato mula sa dalisdis.
Na-recover din ng responders ang gamit ng dalawang piloto at ng dalawang pasaherong Australian nationals.
Ang naturang mga gamit ay itu-turn over nila sa Scene of the Crime Operatives (SOCO) para magamit sa imbestigasyon.
Muli namang nagpaalala ang CAAP na bawal ang pagpo-post sa social media na larawan ng mga labi at ng wreckage ng eroplano.
Facebook Comments