LGU Kalibo, nakatakdang buhayin ang Anti-Smoking Ordinance

Kalibo, Aklan – Nakatakdang buhayin ngayon ng LGU Kalibo ang Anti-Smoking Ordinance. Dahil dito, ang PHO Aklan kasama ang mga partners mula sa Smoke free Aklan Organization, DRSTMH at LGU Ibajay ay nagsagawa na ng Enforcer’s Training para sa Kalibo Smoke-Free Ordinance. Sa lalong madaling panahon, kapag ma-deputize na ni Kalibo Mayor Juris Surco ang mga enforcers pagkatapos ng kanilang training doon na sisimulang muli ng LGU Kalibo ang implementasyon ng comprehensive Anti-Smoking Ordinance kung saang nagbabawal na manigarilyo sa mga pampublikong lugar ng Kalibo.
Facebook Comments