Labi ng dalawang Pinay nurse na nasawi sa Libya, iuuwi sa Pilipinas

(Shutterstock)

Nakatakdang iuwi sa Pilipinas ang mga labi ng dalawang Filipino nurses na nasawi sa Libya ilang linggo na ang nakalilipas.

Kinilala ng Embahada ng Pilipinas ang dalawang nurse sa Tripoli na sina Herminia Estrada at Glenna Deza na sinasabing nasawi dahil sa “non-coronavirus complications”.

Maliban dito, sinabi ni Foreign Affairs Spokesperson Asec. Ed Meñez na aalamin pa nila ang detalye hinggil sa sanhi ng pagkamatay ng dalawa.


Samantala, ililipad ang kanilang mga labi via special flight ng Libyan Airlines at Philippine Airlines.

Facebook Comments