Panibagong oil price hike, nakaamba sa susunod na linggo

May nakaamba na namang oil price hike sa susunod na linggo.

Ayon sa oil industry sources, sisipa sa P0.65 hanggang P0.75 ang dagdag-presyo sa kada litro ng diesel at gasolina.

Habang may dagdag na P0.20 hanggang P0.30 sa kada litro ng kerosene.


Ito na ang ika-pitong sunod na linggo na tumaas ang presyo ng mga produktong petrolyo.

Facebook Comments