Labi ng financier ng Maute Group, hinahanap na ng AFP

Manila, Philippines – Nilinaw ngayon ng Palasyo ng Malacañang na patuloy ang ginagawang kompirmasyon ng Armed Forces of the Philippines sa napabalitang napatay na sa isang engkwentro ang Malaysian financier na si Mahmud Bin Ahmad sa Marawi City.
Nabatid na si Ahmad ay sinasabing nagbibigay ng pondo sa Teroristang grupong Maute at napatay umano matapos magtamo ng mga tama ng bala sa katawan sa unang bahagi pa lamang ng Marawi Siege.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, bineberipika pa ng intelligence team ng AFP ang nasabing balita kung saan inaalam na aniya ng mga ito ang lugar kung saan inilibing ang foreign terrorist.
Sa oras aniya na ito ay makita ay saka lamang makukumpirma ang nasabing intelligence report.

Facebook Comments