Cauayan City, Isabela- Narekober ng kasundaluhan ang labi ng isang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Kapanisuwan, Barangay Bitag Grande, Baggao, Cagayan.
Ito’y matapos isumbong ng isang dating rebelde sa mga sundalo ang naturang impormasyon na agad namang inaksyunan ng 501st Infantry Brigade ng 5th Infantry Division, Philippine Army.
Nagresulta ito sa pagkakadiskubre sa mga labi ni ni Justine Bautista alyas Aira, Medical Officer at Political Guide ng Northern Front Komiteng Rehiyon-Cagayan Valley at dating estudyante ng Cagayan State University.
Nabataid na bago sumampa sa armadong kilusan si alyas Aira ay naging miyembro siya ng Kabataan at College Editor’s Guild of the Philippines.
Ayon sa dating rebelde, basta na lamang inilibing ng mga kasamahang NPA ang bangkay ni alyas Aira matapos mamatay sa engkwentro noong June 25, 2017 sa isinagawang pagsalakay ng NPA/Northern Front sa kampo ng militar sa San Jose, Baggao.
Nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng 5th Infantry Division, Philippine Army sa mga kamag-anak ni alyas Aira. Inihayag din ni MGen Laurence E Mina PA, Commander ng 5ID ang kanyang kasidhian sa teroristang NPA.
Pinasalamatan naman ni MGen Mina ang dating rebeldeng dahil sa pakikipagtulungan nito sa tropa ng pamahalaan upang mahukay ang labi ng dati nitong para mabigyan ng disente at maayos na libing.
Ang paghuhukay sa mga labi ni alyas Aira ay nasaksihan din ng mga opisyales ng barangay.
Sa ngayon ay dinala na sa Regional Crime Laboratory Office 02 ang labi ni alyas Aira para sa karagdagan pang pagsisiyasat.