General Santos City—Kinumperma ni Isulan Mayor Marites Pallasigue na dinala na sa bayan ng Sen. Ninoy Aquino, Sultan Kudarat ang biktimang huling binawian ng buhay dahil sa pagsabog ng Bomba sa Isulan, Sultan Kudarat noong Martes ng gabi.
Sinabi ni Mayor Pallasigue na kahapon nang kanilang inihatid ang labi ng biktimang si Welmark Jhon Lapidez, 21, na taga Sen. Ninoy Aquino matapos itong binawian ng buhay habang nasa Doctors Hospital dito sa Gensan dahil sa matinding tama nito sa magkaibang parti ng kanyang katawan.
Labis labis na pighati ang dinaranas ng pamilya ng biktima lalo pa at napakabait na bata si lapidez.
Kanilang panawagan sa PNP, AFP maging kay Pangulong Rodrigo Duterte na silay tulungan na mapanagot ang mga salarin sa nasabing pagsabog para naman mabigyan ng hustisya si Welmark pati narin ang iba pang naging biktima sa pagsabog.