Labi ng Pilipinong tripulanteng sakay ng nawawalang Panama cargo ship, darating sa bansa ngayong araw

76

Nakatakdang dumating ngayong araw ang labi ng Pilipinong seafarer, isa sa mga crew member na sakay ng lumubog na Panama-registered cargo ship sa karagatan ng Japan.


Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagpapauwi sa nasawing crew member na si Joel Canete Linao mula Tokyo, Japan.

Inaasahang darating ang labi ng Pinoy seaman mamayang alas-5:00 ng hapon lulan ng Philippine Airlines Flight PR 427.

Ang Gulf Livestock ay lumubog sa karagatan ng Japan lulan ang 43 tripulante kabilang ang 39 na Pilipino.

Dalawang Pilipino ang nailigtas na sina Jaynel Rosales at Eduardo Sareno na nakatakdang dumating sa bansa sa Sabado.

Patuloy ang paghahatid ng tulong ng DOLE sa mga survivors at pamilya ng mga nawawalang Filipino crew members.

Facebook Comments