Isang sikat na brand ng liver spread, hindi pa rehistrado mula sa FDA

62

Nagbabala ang Food and Drug Administration (FDA) sa publiko laban sa pagkonsumo at pagbili ng limang hindi rehistradong food products.


Kabilang na rito ang isang sikat na liver spread brand sa bansa.

Batay sa Advisory no. 2020-1618, ang mga sumusunod na produkto ay hindi rehistrado sa FDA at walang kaukulang Certificate of Product Registration:

-RENO BRAND Liver Spread

-MIRACLE WHITE Advance Whitening Capsules Food Supplement

-TURCUMIN 100% Natural & Standardized Turmeric Curcumin

-DESA Spanish Style Bangus in Corn Oil




-SAMANTHA’S DIPS AND SAUCE Spanish Sardines Paste Sauce

Ayon sa FDA, hindi dumaan ang mga nasabing produkto sa evaluation process kaya hindi tiyak ang kalidad at kung ligtas ito.

Nagbabala naman ang ahensya sa mga establisyimento na huwang ibenta o ipamahagi ang mga nasabing produkto dahil kung hindi ay papatawan sila ng kaukulang parusa.

Facebook Comments