Labi ng pinaslang na OFW sa Kuwait, ibibiyahe na pauwi ng Pilipinas

Nakatakdang i-biyahe ngayong araw pabalik ng Pilipinas ang labi ng Overseas Filipino Worker (OFW) na si C na umano’y pinagsamantalahan at pinatay sa kanyang pinapasukan sa Kuwait.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, muling ipapa-autopsy sa National Bureau of Investigation (NBI) ang mga labi ni Dayag dahil nakakalito ang resulta ng isinagawang otopsiya sa Kuwait.

Batay kasi aniya sa naunang report, maraming pasa at may palatandaan ding pinagsamantalahan si Dayag nang dalhin ito sa ospital sa Kuwait.


Pero kabaliktaran naman aniya nito ang naging resulta ng otopsiya.

Facebook Comments