
Dumating na sa bansa ang labi ng Pinay nurse na kabilang sa tatlong naaksidente sa Tabuk, Saudi Arabia.
Ayon sa Department of Migrant Workers,sa Bicol International Airport sa Albay, agad na dinala sa kanilang tahanan sa Nabua, Camarines Sur ang labi ng Pinay nurse.
Tiniyak naman ng DMW na patuloy nilang gagabayan ang pamilya ng OFW sa pagproseso ng mga benepisyo at iba pang tulong na maaari nilang matanggap.
Ang nasawing Pinay nurse at dalawa pang kasamahan nitong Filipino nurses ay nabundol habang tumatawid mula sa isang mall sa Tabuk, Saudi Arabia.
Malubha namang nasugatan ang dalawang Pinay nurses habang agad naman na naaresto ang suspek na Saudi national.
Facebook Comments










