Labi ng PMA Cadet na Nalunod sa Pool, Naiuwi na sa Cagayan!

Cauayan City, Isabela- Naiuwi na pasado alas nuebe kagabi sa kanilang tahanan sa Barangay Divisoria, Enrile, Cagayan ang labi ng kadete na namatay matapos umanong malunod sa campus swimming pool ng Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City.

Sinalubong ang kanyang labi ng pamilya, kamag-anak at mga kaibigan na naghihinagpis dahil sa biglaang pagkamatay ni Cadet 4th class Mario Telan, Jr. ng Alpha Company ng Cadet Corps ng Armed Forces of the Philippines.

Kaugnay nito, nanawagan ng imbestigasyon ang pamilya Telan upang matukoy ang tunay na ikinamatay ng plebo nang mapanatag ang kanilang kalooban.


Base naman sa nakuhang record ng pamilyang Telan mula sa inisyal na imbestigasyon ng Baguio City Police Office, walang nakikitang foul play sa pagkamatay ng kadete.

Facebook Comments