Labi ng pulis na namatay sa engkuwentro sa Northern Samar, sinalubong sa NAIA ni PNP Chief Dionardo Carlos

Personal sa sinalubong sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Dionardo Carlos ang labi ni PLt. Kenneth Tad-Awan na nasawi sa engkwentro sa Northern Samar.

Dumating ang labi ni Tad-Awan sa NAIA Cargo terminal kung saan sinalubong din ito ng kanyang pamilya.

Ayon kay Carlos, nagluluksa ang PNP sa pagkawala ng isa na namang magiting na pulis.


Kinundena rin ni Carlos ang patuloy na paghahasik ng terorismo ng mga armadong grupo sa Visayas.

Tiniyak naman ng PNP chief ang tulong pinansyal at iba pang benepisyo para sa naiwang pamilya ni Tad-Awan.

Agad namang dinala ang mga labi ng nasawing pulis sa Bontoc, Mountain Province at ito ay escorted ng PNP Highway Patrol Group.

Facebook Comments