General Santos City – Dumating na sa lunsod ng Gensan ang labi ng scout ranger na si PFC Felmark Dalogdog, miyembro ng Scout Ranger 2nd Battalion na nakabasi sa Zamboanga, residente ng Maasim, Sarangani Province, matapos itong napatay sa patuloy na sagupaan sa gitna ng mga sundalo ng gobyerno at ng teroristang Maute Group sa Marawi City.
Alas 11:00 ng umaga kanina nang dumating ang c130 plane sa Gensan International Airport dala ang labi ni Dalogdog.
Binigyan ito ng military honor na pinangunahan ng 1002nd Brigade Philippine Army kasama sa mga sumalubong ang mga kaanak, mga kaibigan at ilang opisyal nga Sarangani Province.
Kwento ni Mary Ann Dalogdog, asawa ng nasabing sundalo, na alas 10:00 nga umaga noong nakaarang araw ng naka-text pa nito ang kanyang asawa at sinabi nito sa kanya na pagbalik nito sa Maasim, pupunta sila ng Davao para ipaopera ang kanyang matres dahil narin sa tumobong bukol.
Pero pagkatapos ng kalahating oras hindi na ito naka-pagreply.
Alas 11:00 pasado ng umaga ng tumawag sa kanya ang opisyal ng kanyang asawa at sinabi na nasawi si Dalogdog sa engkwentro doon.