Inembalsamo ang labi ng flight attendant na Christine Dacera bago ginawa ang medico-legal.
Ito ang inamin ng medico-legal officer na si Police Major Michael Sarmiento kung saan ginawa ang pag-embalsamo na walang paalam mula sa pamilya ng biktima.
Inuna ang embalsamo sa labi bago nagkaroon ng awtopsiya.
Ayon kay Atty. Roger Reyes, legal counsel ng pamilya Dacera, mali ang procedure.
Naghain na sila ng administrative complaint sa Philippine National Police (PNP) laban kay Sarmiento.
Ang National Bureau of Investigation (NBI) ay magsasagawa ng second autopsy sa labi ng biktima para malaman ang dahilan ng kanyang kamatayan.
Una nang lumabas sa mga paunang resulta na namatay si Dacera sa aortic aneurysm.
Facebook Comments