Labi ni NDFP Consultant Randy Malayao, Ihahatid na sa Huling Hantungan!

*Cauayan City, Isabela- *Nakatakdang mailibing ngayong araw, Pebrero 7, 2019 ang labi ng napatay na Consultant ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Felix Randy Malayao sa pampublikong sementeryo sa Brgy. San Pablo, Isabela.

Ito ang kinumpirma ni Ginoong Isabelo Adviento, tagapagsalita ng Danggayan Dagiti Mannalon sa Cagayan Valley sa programang Straight to the Point ng RMN Cauayan.

Marami anya ang nakipagdalamhati at nagpakita ng pakikiramay sa pagkamatay ni Malayao mula sa iba’t-ibang organisayon sa bansa maging ang mga natulungang magsasaka noong panahon ng rehimeng Marcos.


Kasabay ng paghahatid sa huling hantungan ni Malayao ay nagpakita ng suporta ang mga nakiramay gamit ang mga hawak na Placards para sa pagkamit ng hustisya ni Malayao.

Inihayag rin ni Ginoong Adviento na marami pa sana ang matutulungan si Malayo kung hindi ito basta na lamang pinatay.

Nanawagan naman ito sa mga kinauukulan na mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ni NDFP Consultant Randy Malayao.

Magugunita na noong Enero 30 ng madaling araw, ay pinagbabaril si Malayao habang natutulog sa loob ng sinakyang bus sa Bus Stop sa Aritao, Nueva Vizcaya.

Facebook Comments