Stepfather pinagsasaksak ng kanyang manak na may nervous breakdown, patay

17

New Washington, Aklan – Patay ang stepfather matapos na ito’y pagsasaksakin ng kanyang manak kahapon sa Purok 7, Brgy. Pinamuk-an, New Washington, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Eliseo Barlas, 62-anyos, tubong Culasi, Roxas City habang ang suspek ay nakilala kay Arjon Kenjie Abella, 27-anyos tubong Cebu City at parehong nakatira sa nasabing lugar.
Ayon sa imbestigasyon ng New Washington PNP, na kahapon mga bandang alas 2:00 ng hapon ay nakarinig ng pagtatalo sa kanilang bahay ang mga kapitbahay nito at nong huli ay kanilang nakita ang suspek na may bitbit na kutsilyo at duguan.
Kanilang tiningnan ang lugar at nakita ang biktima na naliligo na sa sariling dugo, maraming tama ng saksak at wala ng buhay.
Agad namang rumesponde ang mga Brgy. Tanod ng lugar at inaresto ang suspek saka itinurn over sa mga pulis.
Na recover din sa lugar ang kutsilyong ginamit sa krimen na may habang 13 pulgada.
Napag-alaman na wala ang nanay ng suspek sa kanilang bahay ng mangyari ang krimen dahil may duty ito bilang Brgy. Health Worker ng kanilang barangay.
Samantala, sinabi ng nanay na noong nakaraang Hunyo 2018 lang nagsimula tumira ang kanyang anak dito. Nasabi rin nya nga noong nakaraang buwan ay pinag-usapan nila ng biktima na ipa rehab ang kanilang manak dahil kung minsan iba ang ugali nito dahil noong una ay gumagamit ito ng ipinagbabawal na gamot pero hindi ito pumayag dahil hindi naman daw sya bayolente.
Mahaharap naman sa kasong murder ang suspek.

Facebook Comments