LABINDALAWANGMUNISIPALIDAD SA PANGASINAN, INIREREKOMENDA NG PHO NA ISAILALIM SA LOCKDOWN DAHIL SA SURGE NG COVID-19

Inirerekomenda ngayon ng Provincial Health Office ng Pangasinan sa Provincial Inter-Agency Task Force (IATF) ang labindalawang munisipalidad sa lalawigan sa loob ng dalawang-linggong lockdown matapos makapagtala ng sunod-sunod na matataas na kaso ng COVID-19.

Mga bayan ng Aguilar, Binmaley, Bugallon, Calasiao, Infanta, Lingayen, Pozorrubio, Sison, Sta. Barbara, Villasis, Urdaneta City, and Dagupan City ang mga LGU’s na kabilang sa rekomendasyon ng PHO.

Base sa daily monitoring ng PHO, mayroong 489 na panibagong kumpirmadong kaso ang naitala kahapon August 25, at sa kabuuang bilang ng aktibo at kasalukuyang naka confined ngayon ay pumalo na sa 2, 069 na indibidwal.


Ayon kay PHO Chief Doc. Anna Ma. De Guzman, sinabi nitong nakamit na umano ng mga nabanggit na LGUs ang 25-percent critical zone sa bawat barangay kung saan naabot na rin umano ang omnibus guidelines na inilatag ng National IATF kung kaya’t sa ngayon ay patuloy pa rin ang assessment ng Regional at Provincial IATF kung ila-lockdown na nga ba ang mga ito.

Dagdag pa ni De Guzman, ang mga nabanggit na bayan ay kabilang sa kanilang watchlist dahil sa patuloy na pagtala ng clustered cases ng mga ito.

Samantala, sa patuloy na pagtaas muli ng kaso sa probinsiya, lumiliit din ang espasyo at kapasidad ng mga hospital beds kung saan nagtatayo na rin ng karagdagdagang tents para ma-accommodate ang mga nagkakaroon ng impeksyon sa sakit.

Facebook Comments