Aabot sa 16 na ahensya at mga sangay ng gobyerno na nasa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ang mangangasiwa sa pagpapatupad ng Coconut farmers and Industry Development Plan o CFIDP.
Sa Laging Handa briefing sinabi ni Philippine Coconut Authority o PCA Deputy Administrator of Research and Development Branch Ramon Rivera, na ang CFIDP ang nagsisilbing implementing rules and regulation ng Republic Act 11524 o ang tinatawag na Coconut Farmers and Industry Trust Fund Act na nilagdaan ni Dating Pangulong Rodrigo Duterte, noong February 26, 2021.
Sinabi ni Rivera, layunin ng CFIDP na matiyak na maipatutupad ng maayos ang mga health and medical program ng ahensya para sa mga coconut farmers kasama na ang pagbibigay sa kanila ng social protection.
Pangungunahan aniya ng PCA ang implementasyon ng lahat ng programa ng gobyerno para sa mga magniniyog katuwang ang Department of Health (DOH), Philippine Crop Insurance Corporation, Commission on Higher Education, TESDA at iba pang mga tanggapan ng gobyerno.
Giit ng PCA official titiyakin nilang maaabot ng mga programang ito ang mga coconut farmers lalo na iyung mga pinakamahihirap na magsasaka ng niyog sa buong bansa.
Lahat aniya ng nais lumahok sa mga programang ito ng gobyerno, dapat magpatala sa kanilang National Coconut Farmers Registry para malaman kung silang lehitimong coconut farmer o hindi.