Ilang flights sa Northern Luzon, kinansela dahil sa Bagyong Florita

62

Kinumpirma ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na kanselado na ang lahat ng flights ng Cebu Pacific patungong Tuguegarao, Batanes at Maconacon Airport sa Isabela.

Kanselado na rin ang flight ng PAL Express patungong Basco, Batanes at pabalik ng Manila.

Gayundin ang flight ng CebGo patungong San Jose, Mindoro at pabalik ng Manila dahil sa Bagyong Florita.


Nananatili namang normal ang flight operations patungong Baguio, Laoag, Vigan, at Lingayen, Pangasinan.

Sa kabila nito, pinaghahanda pa rin ang mga paliparan sa Regions 1 at 2 para sa emergency generators, runway equipment at iba pang airport terminal facilities.

Facebook Comments