Labing apat na bahay, nadamay sa sunog kanina sa Sta. Ana, Maynila

Bago mag alas dos kanina ideneklarang fireout ang sunog sa Estrada st., cor Dagonoy, Sta. Ana, Maynila.

 

Sa paunang impormasyon ng Manila-BFP, umabot sa labing apat na bahay ang nadamay sa sunog at 43 pamilya ang naapektuhan.

 

Nagsimula sa 3 palapag na bahay na nasa likurang bahagi ang sunog sa Iridium street na pag-aari ni Dina Uñalivia.


 

Nadamay din ang 3 palapag na lumang bahay na yari sa kahoy at pag-aari ni Jinky Avillar.

 

Anya sampu silang okupante sa ikatlong palapag at ligtas naman lahat silang nakalabas ng bahay, kasama na ang kanyang mga kaanak na nasa una at ikalawang palapag ng bahay.

 

Isang lalaking residente sa lugar ang nagtamo ng minor injury sa kanyang braso at tuhod kung saan nalapatan naman ng lunas ng mga tauhan ng Phil National Red Cross.

 

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog na nasimula pasado las dose ng tanghali.

 

Dahil sa sunog pinauwe naman na lahat ng mga estudyante sa kalapit lang na Villamor High School.

 

Inaalam pa ang kabuuang halaga ng pinsala ng sunog.

 

Facebook Comments