Bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa susunod na mga araw ang karagdagang labing-apat na ruta ng bus sa Metro Manila at mga karatig lugar.
Ito’y upang matugunan ang limitadong sasakyan para sa mga empleyado na nagbalik na sa kanilang trabaho.
Ayon sa LTFRB, ngayong araw ay labing pito (17) na ang bilang ng mga nabuksan ng ruta.
Bukas ay bubuksan ang North Edsa-Fairview (Route 4), Quezon Ave.-EDSA Taft (Route 6) at Ayala-FTI Complex (Router 16).
Sa June 16, 2020 ay bubuksan naman ang Ayala-Alabang (Route 14), Ayala-Biñan (Route 15), PITX-Trece Martierez (Route 27).
Sa June 18, 2020 ay bubuksan naman ang PITX-Sucat (Route 23), PITX-Naic (Route 26), at PITX-Cavite City (Route 30).
Sa June 19, 2020, magsisimula ang biyahe sa North EDSA-BGC (Route 19), Monumento-Meycauayan (Route 20), at Monumento-Angat (Route 22).
Hindi pa alam kung kailan magsisimula ang Cubao-Doroteo Jose (Route 10) at Kalentong-Pasig (Route 12).
Sa kasalukuyan ay may biyahe na ng bus sa:
– Route 1 (Monumento-Balagtas)
– Route 3 (Monumento-Valenzuela Gateway Complex)
– Route 5 (Quezon Avenue-Angat)
– Route 7 (Quezon Avenue-Montalban)