Pangulong Duterte, sumulat kay Chinese Pres. Xi Jinping kasabay ng paggunita ng ika-45 taong diplomatic ties ng Pilipinas at China

Ipinakita ng COVID-19 pandemic ang kahalagahan ng pagpapatibay ng relasyon ng Pilipinas sa China.

Ito ang mensaheng ipinarating ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Chinese Presidente Xi Jinping kasabay ng paggunita sa ika-45 taong diplomatic ties ng dalawang bansa.

Sa ipinadalang liham, inilarawan pa ng Pangulo ang China bilang “close neighbor” at “valued friend” ng Pilipinas.


Tiniyak din ng Pangulo kay Xi ang commitment nito na pagtibayin pa ang ugnayan ng dalawang bansa para sa kapayapaan at kaunlaran.

Facebook Comments