Labing isang aplikante ngayong buwan ng Mayo, natulungan ng Radyo Trabaho team ng DZXL 558 RMN Manila

Sa loob lamang ng dalawang linggo, umabot na sa tatlong aplikante ang natulungang magkaroon ng trabaho ng programang radyo trabaho nang DZXL-558 RMN Manila.

 

Simula May 1 hanggang ngayon araw, May 17, umabot na sa 11 ang lumapit sa radyo trabaho kung saan tatlo dito ay mayroon nang trabaho.

 

Kapwa napunta sa housekeeping sina Jhon-Jhon Santiago 42- years old na taga Caloocan City at Dante De Guzman na taga-Culiat Quezon City.


 

Kwento ng dalawa, hindi sila nabigo nang lumapit sa Radyo Trabaho upang sumubok kung saan sa kanilang pagpunta ay agad sila inasikaso at binigyan ng referrals ng RT team mula sa kompanyang neat engagements.

 

Agad silang sumabak sa training at sa loob lang ng tatlong araw ay pinagsimula na rin sila sa trabaho.

 

Bukod sa kanila, ang isa pang ma-swerte aplikante na nagkaroon ng trabaho bilang office staff ay si Shekinah Gomez, 24-years old ng Sta Rosa Laguna.

 

Lubos ang pagpapasalamat ng tatlo dahil sa tulong ng Radyo Trabaho ay nakaroon sila ng hanabuhay.

 

Si Jhon-Jhon si Dante at si Shakina ay nangakong babalik sa Radyo Trabaho upang magbigay inspirasyon sa mga kagaya din nila na naghahanap ng trabaho.

 

Sa ngayon mayroon pang walong aplikante ang nabigyan ng refferals sa iba’t ibang kompanya at agency.

 

Samantala sa mga gusto din na magkaroon ng trabaho, tumutok lang sa DZXL Radyo Trabaho o magpunta sa aming himpilan sa 4th floor Guadalupe Commercial Complex, Guadalupe Nuevo, Makati City.

 

Maari nyo ring i-send ang kopya ng inyong resume o biodata sa radyotrabaho@gmail.com at tumawag sa aming RT hotline 882-2370 o magpadala ng inyong mensahe sa rt textline 0967-372-9017

 

Sa radyo trabaho, trabaho lang walang personalan.

Facebook Comments