Nasampolan ang labing isang motorista sa Metro Manila sa ikinasakasang nationwide crackdown ng PNP Highway Patrol Group laban sa wang-wang at iba pang maiingay na devices na nakakabit sa sasakyan.
Sa Quezon City pinara ng mga tauhan ng PNP HPG sa kanilang operayson kontra wang-wang ang mga pribadong kotse at motorsiklo na may domelight, blinker at flasher.
Dinamay na rin sa mga nasampolan ang mga gumagamit ng hindi awtorisadong vanity plates.
Hindi pa pinagmulta ang mga nasampolang motorista sa halip kinumpiska lamang ng mga taga PNP HPG ang mga bawal na devices sa kanilang sasakyan.
Una nang sinabi ni PNP HPG Director Chief Supt Roberto Fajardo na ang authorized lang na gumamit ng wang-wang and blinker ay ang AFP, PNP, at iba pang law enforcement agencies.
Matatandang inilunsad ni PNP Chief Oscar Albayalde ang nationwide crackdown sa mga wang-wang dahil sa dami ng reklamo na kanyang natatatangap dahil sa paggamit ng wang-wang lalo na ng mga kandidato para sa midterm election