LABING-ISANG MUNISIPALIDAD SA PANGASINAN, MAKARARANAS NG POWER INTERRUPTION

Inanunsyo ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang mararanasang power interruption sa sa labing-isang munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan.

Sa abiso ng ahensya, sa darating na Feb. 22, 2025, araw ng Sabado, mula alas sais ng umaga hanggang alas dose ng tanghali, maaapektuhan ang buong bayan ng Balungao, Natividad, Rosales, San Nicolas, San Quintin, Sta. Maria, Sto. Tomas, Tayug, Umingan, buong bayan ng Villasis maliban sa Brgy. La Paz, habang sa Asingan, apektado lamang ang mga barangay ng Carosucan Norte at Carosucan Sur.

Isasagawa ang implementation ng preventive maintenance sa Nagsaag Substation-Umingan 69kV Line kaya magkakaroon ng anim na oras na power interruption.

Mainam para sa mga maaapektuhang residente na gawin ang mga kinakailangang pamamaraan tulad ng pagfull-charge ng selpons at iba pa habang hindi pa bumabalik ang kuryente.

Samantala, ayon sa NGCP, maaaring matapos ng mas maaga o on time ang pansamantalang power interruption sa nasabing araw. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments