Sa gitna ng COVID-19 pandemic at masamang panahon, labing-limang “Batang RT, Batang Tatak” ng Navotas at Malabon City ang napasaya ng RMN DZXL 558 Radyo Trabaho sa unang araw ng DZXL: Radyo Trabaho Gift Giving Activity sa mga batang lansangan.
Ito’y matapos makatanggap sila ng exclusive Radyoman shirt, pasalubong bundles at customized DZXL face mask.
Nakapagbigay ang aming team sa labing-isang lalaki at apat na babae na batang lansangan mula sa nasabing dalawang lungsod.
Ayon kay Nanay Jovelyn ng Navotas City, natuwa at lubos siyang nagpapasalamat sa RMN DZXL 558 Radyo Trabaho sa regalong natanggap ng kanyang anak na alyas “Marjo”.
Aniya, blessing sa kanila ito dahil ang tanging pinagkakakitaan lang nilang mag-ina ay ang pagbubukas ng pinto para sa mga customer sa isang convenient store.
Ang sarap din pagmasdan ang ngiti na ibinigay sa amin ng dalawang magpinsan na sina alyas “Tutoy” ng Navotas City, sina alyas “Angel” at “Jackie” na magkaibigan at alyas “Myka” at “Igan” na pawang magpinsan din ng Malabon City matapos makatanggap sila ng mga regalo.
Lubos din nagpapasalamat sina Nanay Jessica Lozada at Jova Revilla ng Malabon City sa munting regalo na natanggap ng kanilang anak.
Layunin ng aktibidad na ito na kahit sa simpleng paraan, maipadama natin sa mga batang lasangan ang kasiyahan at pagmamahal sa gitna ng pandemya.