Labing limang istudyante sinaniban ng masamang espiritu?

Palaisipan ngayon kung ano nga ba ang nangyari sa labing limang mga grade 8 students mula Camp Siongco National High School sa Brgy. Awang Datu Odin Sinsuat Maguindanao.

Itoy matapos halos sabay sabay na nagwala, nangisay , nanlisik ang mga mata at tila may kakaibang mga lakas at wala sa katinuan pasado ala una kahapon.Sinasabing nangyari ito sa kasagsagan ng Intramurals partikular sa katatapos lamang na Volleyball Game.
Kaugnay nito agad na pinatawag ng pamunuan ng eskwelahan ang mga istudyanteng nakaranas ng kakaibang pakiramdam, at ng mahimasmasan na ay agad na lamang na pinauwi. Dahil sa pangyayari agad na ring kinansela ang iba pang mga aktibidad ng paaralan at pinauwi na lamang ang lahat ng mga istudyante.
Patuloy namang iniimbestigahan kung anu nga ba ang nangyari sa mga istudyante ngunit malaki ang paniniwala ni Principal Helen Bayon na maaring bunga lamang ng pabago bagong panahon kahapon bukod pa sa pagod ng mga mag aaral ang naramdaman ng mga istudyante.

Hindi naman isinasantabi ng Principal na maaring sinaniban ng mga ispirito ang mga ito base na rin sa mga naging reaksyon ng mga mag aaral. Sinasabing hindi ito ang unang pagkakataon na may nangyari kahalintulad na insidente.
Samantala bago ang pangyayari kahapon, may mga puno umanong pinutol sa likurang bahagi ng paaralan.
Nakatakda namang mag aalay ng Kanduli sa compound ng paaralan bilang respeto sa maaring naggambalang mga di nakikitang nilalang. Isang misa rin ang nakatakdang gawin dagdag ni Principal Bayon sa Exclusive Interview ng DXMY.


FILE PIC

Facebook Comments