MANILA – Nagkasundo na umano ang mayorya ng mga senador na suportahan si Sen. Koko Pimentel bilang susunod na Senate President ng 17thcongress.Kahapon, sinabi ni Senate President Franklin Drilon na si Pimentel Ang susuportahan ng Daang Matuwid Coalition bilang susunod Senate President.Pitong (7) boto ito anya na kinabibilangan nina Sen. Ralph Recto,Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Joel Villanueva,Leila De Lima at Risa Hontiveros.Sabi pa ni Drilon – nasa labing pito (17) silang lahat na susuporta kay Pimentel kasama na dito ang grupo ni Sen. Tito Sotto kasama sina Sen. Win Gatchalian, Loren Legarda, Nancy Binay, Gringo Honasan, Manny Pacquiao, Grace Poe, Ping Lacson at Sonny Angara.Lampas na boto ito sa kina-kailangan na labing tatlong (13) boto para makapagluklok ng isang Senate President kung saan sigurado na anya ang pag-upo ni Pimentel bilang susunod na pinuno ng senado.Ayon naman kay Pimentel, susubukan pa rin niyang makuha ang grupo ni Sen. Alan Peter Cayetano na gusto ring maging Senate President.Anya kakausapin niya sina Sen. Cynthia Villar, Juan Miguel Zubiri, Richard Gordon at Jv Ejercito Na sumusuporta kay Cayetano.Posible namang Blue Ribbon Committee ang ibigay ni pimentel niya kay Cayetano habang magiging minorya naman sina Sen. Chiz Escudero at Antonio Trillanes IV na matinding bumanat kay Duterte noong panahon ng kampanya.
Labing Pito Na Senador, Suportado Si Sen. Koko Pimentel Bilang Susunod Na Senate President Ng 17Th Congress
Facebook Comments