Labing Pitong Truck Load ng Bigas Mula Isabela at Cagayan, Dinala Na sa Metro Manila!

Cauayan City, Isabela – Umaabot sa labing pitong truck load ng bigas na mula sa lalawigan ng Isabela at Cagayan ang umalis na kaninang umaga patungong Metro Manila bilang tulong sa kakulangan ng suplay ng bigas sa bansa.

Sa pakikipag-ugnayan ng RMN Cauayan kay NFA Regional Director Mario Gonzales, ang labing pitong truck load ay may laman na pitong daan at limampung sako ng bigas kada isang trak na didirekta sa mga millers ng metro manila bilang commercial rice sa halagang tatlumput siyam na piso kada kilo para sa mga wholesalers .

Sinabi pa ni Director Gonzales na ang inisyal na naipangako ng mg millers ng Cagayan at isabela kada buwan ay isang daang libong sako bilang tuluy-tuloy na tulong o hanggat kailangan ito.


Ang hakbanging pagtulong sa kakulangan ng bigas sa bansa ay sa pangunguna ng Philippine Confederation of Grains Millers Association at ang Isabela and Cagayan Chapter ay nangako ng tulong.

Matatandaan na pinulong ni Pangulong Duterte kamakailan ang mga rice traders upang pau-usapan ang kakulangan ng bigas sa bansa.

Facebook Comments