ROAD ACCIDENT | Isa patay, 13 sugatan matapos sumadsad sa steel railing ang sinasakyang van

Manila, Philippines – Isa ang patay habang 13 ang sugatan matapos na maaksidente ang sinasakyan nilang van sa kahabaan ng Tarlac-Pangasinan-La Union Expressway o TPLEx.

Sa ulat, patungo sanang Baguio City ang van nang mawalan ng kontrol ang driver nitong si Luisito Mora dahil pumutok ang gulong sa likuran ng sasakyan.

Dahil dito, sumadsad sa steel railing ang van saka tuluyang tumaob.


Patay sa aksidente si Shelanie Athen-Ann, 2-anyos at residente ng Boguias, Benguet.

Samantala, sugatan din ang sampung pasahero ng bus matapos na sumalpok sa isang puno sa kahabaan ng Quirino highway sa Tagkawayan, Quezon kanina.

Galing Tabaco, Albay at papunta sana sa Maynila ang bus ng Our Lady of Salvacion Bus Lines nang mawalan ng kontrol sa manibela ang driver nito.

Facebook Comments